Biyernes, Hunyo 15, 2012

Die Hard Fan Ako Ng...



Eto na naman ang finals ng NBA. Dito sa Pilipinas, maraming tao ang nag aabang niyan dahil given naman na yan na ang kinagigiliwan ng mga Pinoy sa larangan ng palakasan. NGUNIT, SUBALIT, DATAPWAT! mapapansin mo talaga ang malaking pag babago tungkol sa basketball. Noon, kalimitan sa mga nanonood ng basketball at masugid itong sinusubaybayan eh ang mga kalalakihan. Kung meron mang babae na nag aabang din nito, eh makakausap mo ng matino tungkol sa NBA nang hindi ka nakakaramdam na gusto mong sapakin yung kausap mo dahil nagpapanggap lamang siya. Ngayon, bukang bibig na ng mga tao lalo na sa mga social networking sites na "go miami", "go heat! eat my anghit!", "OKC pa din!", "go COCKlahoma". Ilan lamang yan sa mga madalas na naka paskil sa pader o newsfeeds ng facebook, twitter, etc. mo. Pambihira naman tong mga taong to! nakaka badtrip lang kasing isipin na karamihan sa mga tao ngayon, sumasabay sa uso, nakiki-uso at nakiki-suso. Maniwala ka sakin, yung iba diyan pag tinanong mo kung bakit nila paborito ang isang team sa NBA (kalimitan paborito nila yung WESTERN or EASTERN conference champion.) eh basurang sagot lang ang makukuha mo. Yung iba kung anu-ano pang mga gagawin para lang mapatunayan na fan sila ng isang team at kung minsan makikipag patayan pa sila para sa team na iyon. TANG INA! bat di  na lang kaya sila ang maglaro para sa team na yon'! kung makapag angas, trashtalk at kung marami pang iba, eh daig pa yung mga player na chillax lang sa loob ng court.

Yan na ba ang uso ngayon? ang maki-uso? bakit? ano ba ang mangyayari sayo kung hindi ka makiki-suso? papatayin ka ba ng mga tao sa paligid mo pag hindi ka naki-uso? hindi naman di ba?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento